^

PSN Opinyon

‘Privilege card’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MABAGAL na pag-usad ng ekonomiya sa bansa ang itinuturong dahilan kung bakit mas pinipili na lamang ng ilan sa ating mga kababayan ang gumastos ng ayon sa kanilang pangangailangan.

Hangga’t maaari, isinasantabi muna ng mga ito ang kanilang mga luho upang makapagtipid. Kaya naman sa panahon ngayon, mabentang mabenta ang iba’t ibang pa-promo, discount card at pakulo sa mga establisimentong nag-aalok ng kanilang mga produkto o serbisyo.

Subalit kuwidaw ka! Dahil baka sa mga dorobong promo girls/boys ka maakit at mahulog sa bitag ng kanilang panloloko!

Eto ang reklamong ipinaabot sa BITAG ni Rolando, isang call center agent mula sa Baguio. Sumbong niya, isang nagpakilalang ahente mula sa isang facial center sa Baguio ang lumapit sa kanya upang alukin siyang bumili ng privilege card mula sa kanilang kumpanya.

Kaakibat umano nito ang mga diskuwento sa kanilang serbisyo at libreng stubs na maaari na umano nilang gamitin kaagad.

Bumili siya ng dalawang privilege card sa pag-aakalang totoo ang mga pakulong ibinibida ng mga ahente. Pag­dating sa facial center, mali ang mga impormasyong nakuha ni Rolando sa kanyang pinagbilhan dahil hindi pala agad na magagamit ang mga libreng stubs na pang-akit ng mga putok sa buho.

Ang siste, expired na pala ang mga privilege card na ibinebenta ng advertiser sa naturang kumpanya. Kaya naman ang mga biktima, nadismaya at agad na nagkumahog na humingi ng kanilang refund.

Babala ng BITAG sa lahat, huwag basta maniniwala sa mga bulalas at mabulaklak na salita ng mga ahenteng nag-aalok ng sari-saring pa-promo. Maging alerto at mapanuri bago bumili ng mga alok na produkto.

Huwag kaligtaang su­baybayan ang BITAG tuwing Sabado sa PTV Channel 4 alas-9:15 ng gabi hanggang alas-10:00 ng gabi.

Sabay ding mapapa­kinggan at mapapanood ang BITAG Live sa Aksiyon TV Channel 41 at Radyo 5 araw-araw alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected].

AKSIYON

BABALA

BUMILI

DAHIL

ETO

HANGGA

KANILANG

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with