Pumatay kay Stephanie ipatugis sa eksperto
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2013 - 12:00am

TUNOG defeatist o talunan ang officer ng pulis-Caloocan. Mahihirapan aniya silang mahuli ang nag-indiscriminate firing ng baril na ikinamatay ni Stephanie Nicole Ella, 7, nu’ng Bisperas ng Bagong Taon. Kasi raw wala sila sa eksena nang maganap ang krimen sa Tala, Caloocan City, kaya umaasa lang sila sa salaysay ng witnesses.

Dapat hindi isinasali sa imbestigasyon ang mga takbuhing pulis. Aba’y sa halos lahat ng krimen -- murder, akyat-bahay, holdap, gahasa, kidnapping, carjacking, at pagpapaputok ng rebentador -- wala sa eksena ang pulis. Hibang lang ang gumagawa ng krimen sa harapan ng pulisya. Kaya nga may detective na sinanay mismo sa paglutas ng krimen batay sa forensics at mga saksi.

Dalawang pagkamatay sa stray bullets sa New Year’s Eve ang isinalaysay ko nu’ng Lunes. ‘Yung una, nu’ng dekada-80, natunton ng detectives at reporters ang retiradong pulis na nagpaputok ng bala na tumama sa ulo ng apo ng isang photojournalist sa Cavite. Sa ikalawa, nu’ng 2005, tatlong imbestigador ang nagtulong sa pagtukoy sa isang barangay councilman sa Tondo, Manila, bilang salarin sa pagkamatay ng 5-taon-gulang na babaeng kapitbahay na natutulog sa kabilang kanto.

Sa dalawang kaso, buo ang loob ng detectives na magtatagumpay sila. Tiniyak nila ang kalibre ng bala at trajectory batay sa pinasukan at hinintuang sugat sa katawan. Tapos, nag-triangulate sila kung ano’ng radius ang layo ng pinanggalingang baril, at pinaka-malamang na direksiyon. Sinuyod nila ang pook para alamin kung sinu-sino ang mga de-baril sa pook, lisensiyado man o hindi, at mga saksi. Nag-interrogate ng mga suspek, at kinumpara ang ballistics. Bingo, huli ang salarin!

Makukuha rin ng mga eksperto ang pumatay kay Stephanie.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com

 

BAGONG TAON BISPERAS CALOOCAN CALOOCAN CITY CAVITE DALAWANG DAPAT NEW YEAR STEPHANIE NICOLE ELLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with