Babaing balo
GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2012 - 12:00am

KAWAWANG lubusan ang babaing balo. Noon, kinakalinga sila sa templo ng Jerusalem. Binibigyan sila ng pagkain. Hindi sila pinababayaan ng Panginoon. Sinubukan ni Elias ang isang babaing balo sa paghingi niya ng tinapay, nagpasalamat siya: “huwag kang mag-alala”. Ayon sa Salmo: “Kalul’wa ko, iyong purihin ang Panginoon butihin. Na tumutulong siya sa balo’t ulila masamang balangkas, pinipigil niya”.

Ngayon naman ay ipinapahayag sa atin na ang mga balo na kinakalinga ng ating Panginoon. Noong unang panahon ang isang babaing balo ay tinutulungan ng templo ng Jerusalem sa kanilang mga pangangailangan lalung-lalo na ang tinapay. Sinubukan ni Elias ang isang balo sa paghingi ng tinapay. Ang pangako ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias na hindi mauubos ang harina sa lalagyan, hindi matutuyo ang langis sa sisidlan.

Si Hesus ay umupo sa tapat ng lagayan ng mga kaloob sa templo. Pinagmasdan niya na maraming mayayaman ang naghuhulog nang malaking halaga subalit napansin niya ang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing. Ito ay katumbas ng isang pera. Kaya sa pangangaral ni Hesus ay sinabi niya na “ang dukhang balo ay naghulog ng higit sa kanilang lahat. Ang iba ay nagkakaloob ng bahagi lamang ng hindi nila kinakailangan, ngunit ang balo na dukhang-dukha na ay ibinigay pa ang buo niyang ikabubuhay”.

Ngayon naman ay labis tayong humahanga sa mga babaing balo dito sa ating bansa. Wagas ang kanilang pagsusumikap para sa kabutihan ng kanilang anak. At lubos kong hinahangaan ang mga bata pang balo na sa kabila ng mga nanliligaw sa kanila ay hindi na muli silang umibig alang-alang sa magandang plano niya para sa kanyang anak. Higit ko ring hinahangaan ang mga babaing balo na naging mga aktibo sa pagtulong sa kanilang simbahan. Dito sa ating bansa ay alam na natin ang kabutihang nagagawa nila. Lubos kong hinahangaan ang mga balong babae na hindi na muling umibig at nag-asawa manapa’y itinaguyod ang kanyang mga anak. Sila rin ang mga na-ging aktibo at katulungin sa ating simbahan. Ang balo at yumaong si dating President Cory ang pinaka-magandang larawan na nagtaguyod sa kabutihan ng ating bansa.

1Hari 17:10-16; Salmo 145; Heb 9:24-28 at Marcos 12:38-44

AYON BALO ELIAS NGAYON PANGINOON PRESIDENT CORY SALMO SI HESUS SINUBUKAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with