^

Metro

Meralco, may dagdag-singil ngayong Mayo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Meralco, may dagdag-singil ngayong Mayo
Sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na dahil sa taas-singil, ang overall electricity rate ngayong buwan ay magiging P11.4139/ kWh na, mula sa dating P10.9518/ kWh noong Abril.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inianunsiyo kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad sila ng P0.4621 kada kilowatt-hour (kwh) na taas sa singil sa kur­yente para sa May billing.

Sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na dahil sa taas-singil, ang overall electricity rate ngayong buwan ay magiging P11.4139/ kWh na, mula sa dating P10.9518/ kWh noong Abril.

Ayon sa Meralco, ang taas-singil ay bunsod nang pagtaas ng generation charge, na dulot ng mas mataas na presyo ng Wholesale Electri­city Spot Market (WESM) at Power Supply Agreements (PSAs).

Nangangahulugan ito na ang mga tahanang nakakonsumo ng 200kwh kada buwan ay mada­ragdagan P92 na bayarin; P139 naman ang madaragdag sa bayarin ng mga nakakakonsumo ng 300kwh; P185 para sa mga nakakakonsumo ng 400kwh at P231 naman para sa nakakagamit ng 500kwh kada buwan.

Una nang sinabi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na asahan na ang pagtaas ng power rates ngayong Mayo bunsod ng naranasang Red at Yellow Alerts nitong mga nakalipas na araw, dahil sa manipis na suplay na kuryente.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with