^

Metro

Street sweeper tigok sa poste ng kuryente

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Street sweeper tigok sa poste ng kuryente
Ang biktima ay papasok pa lamang umano sa kaniyang trabaho sa General Services Office ng Antipolo City nang mangyari ang aksidente pasado alas-10:00 ng umaga sa Sitio Mapayapa, Barangay Dela Paz.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang babaeng street sweeper ang nasawi nang mabagsakan ng poste ng kuryente ang sinasakyang tricycle sa Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Ang biktima ay papasok pa lamang umano sa kaniyang trabaho sa General Services Office ng Antipolo City nang mangyari ang aksidente pasado alas-10:00 ng umaga sa Sitio Mapayapa, Barangay Dela Paz.

Bigla na lamang bumagsak ang poste ng kuryente dahilan upang mapipi ito at magtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima. Isa pang sakay o driver ng tricycle ang ginagamot din dahil sa insidente.

Dahil sa nagbagsakang mga metro at kawad ng kuryente, nawalan ng power ang mga kabahayan.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Meralco para isaayos ang nasabing poste.

Nakipag-ugnayan din sa pamilya ng mga management ng Meralco kasabay ng paghingi ng pag-unawa sa naganap na insidente.

Nangako rin ang Meralco na makikipagtulungan sa mga awtoridad sa ipatutupad na mga hakbang upang hindi na maulit pa ang mga pangyayari.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with