‘Wag sumakay sa kolorum sa sasakyan - LTFRB

Officers of the Land Transportation Office-NCR (LTO-NCR) conduct an inspection at a bus terminal along EDSA in Pasay City to ensure the roadworthiness of the buses and the safety of the passengers on Holy March 26, 2024.
Edd Gumban/The Philippine STAR

Sa bibiyahe ngayong Semana Santa

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang publiko na huwag sasakay sa alinmang kolorum na sasakyan na maghahatid sundo sa kanilang destinasyon sa panahon ng semana santa.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, masyadong “risky” o delikado ang sumakay sa mga colorum vehicles dahil wala itong insurance sa mga pasahero kung may maganap na aksidente.

“Pakiusap po sa ating mga pasahero na sumakay lamang kayo sa mga legitimate na mga pampasaherong sasakyan dahil kung sasakay kayo sa colorum na sasakyan ay wala itong insurance at walang mananagot sa danyos kung kayo ay maaksidente” sabi ni Guadiz.

Karaniwan aniyang may mga colorum vehicles ang nananamantala na magsakay ng mga pasahero kapag may mga okasyon tulad ng Semana Santa na marami ang uuwi sa mga probinsiya at pabalik ng Metro Manila.

Sinabi pa ni Guadiz na “round the clock” na ang mga naitalagang mga tauhan sa mga bus terminal na nag-iinspeksyon kung may special permit para magtungo sa mga destinasyon na hindi sakop ng kanilang franchise.

Show comments