9 na takas sa Maynila, nadakip na

MANILA, Philippines — Tuluyang nadakip na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang siyam na preso na tumakas sa custodial jail ng Tondo, Maynila.

Sa ulat ng MPD-District Intelligence Division, dakong alas-2:15 kahapon ng madaling araw nang madakip nila ang huling takas na si Jefferson Bunso Tumbaga sa may SBUC Compound Soldiers Hills sa Narra Street, Molino Road, Bacoor City, Cavite.

Bukod kay Tumbaga, nadakip na rin ng MPD sina Arnold Olino, MJ Tuazon, Jericho Andal, Albert Calayas, Adriano Zilmar, Gian Carlo Rayala, John Joseph Laguna, at Master Cedric Zodiacal.

Nakatakas sa custodial jail ng Raxabago Police Station 14 ang mga preso nang putulin nila ang bakal na rehas sa gilid ng bilangguan noong nakaraang Miyerkules ng madaling araw.

Ang mga nakatakas na preso ay pawang may mga kasong illegal drugs, illegal possession ng baril at mga may warrant of arrest.

Show comments