^

Metro

Mukha ng ‘killers’ ng abogada nakunan ng CCTV, inilabas ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mukha ng �killers� ng abogada nakunan ng CCTV, inilabas ng PNP
Ang mga ‘killer’ ng abogada sa Bangued, Abra na hindi nakalusot sa kuha ng mga nakakalat na CCTV sa lugar.

MANILA, Philippines — Inilabas na kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang larawan mula sa CCTV footage ng mga suspek na bumaril at nakapatay kay Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa Bangued, Abra.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Colonel Jean Fajardo, makikilala sa CCTV footage ang mukha ng mga suspek na tumakas matapos ang pamamaslang kay Alzate na isang human rights lawyer.

Kasunod nito, umapela si Fajardo sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang posibleng kinaroroonan ng suspek.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng manhunt operation ang PNP laban sa mga suspek

Una nang nakita sa CCTV ang pamamaril kay Alzate nang lapitan ito ng isa sa mga suspek habang nakaparada sakay ng kanyang kotse sa harap ng kanyang bahay. Muli itong binalikan ng mga suspek at saka muling pinagbabaril.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, wala naman itong natatanggap na banta bago ang insidente.

Sinabi ni Fajardo, na nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon sa kaso at ipapa-enhance nila sa PNP Anti-Cybercrime Group ang hawak nilang CCTV para mas malinaw ang kuha sa mga suspek.

vuukle comment

CRIME

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with