Kelot utas sa tandem

Nakilala ang biktima na si Alvin Alejo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos malapitang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Payatas, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Alvin Alejo.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, base sa kuha ng CCTV,  nakatayo ang biktima sa tabi ng kanyang motorsiklo nang dumating ang dalawang lalaki na sakay din ng motorsiklo.

Agad na kinuha ng isang lalaki ang nakasukbit na baril at pinaputukan ang biktima ng dalawang beses.

Tinangka pa ni Alejo na makalayo sa mga suspect, pero tuluyan na itong bumagsak at binawin ng buhay.

Agad namang nagsitakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen, habang patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon sa insidente.

Show comments