Presyo ng petrolyo, tataas na naman!

An attendant fills up a motorcycle with gasoline at a petrol station in Manila on June 13, 2022.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Maaaring tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.

Kasunod na rin umano ito nang pagtaas sa demand ng langis dahil sa pag­luluwag ng mga lockdown sa buong mundo.

Sa pagtaya ng ilang oil industry players, ang pres­yo ng gasolina ay maaaring magkaroon ng pinakama­laking pagtaas ng mula P1.30 hanggang P1.50 sa kada litro.

Samantala, ang presyo naman ng diesel ay maaa­ring tumaas ng mula P0.85 hanggang P1.15 kada litro,, habang ang presyo ng kerosene ay inaasahang tataas din ng mula P1.10 hanggang P1.50 kada litro.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Assistant Director Rodela Romero, dapat sana ay pababa na ang presyo ng petrolyo sa panahong ito dahil tapos na ang Kapaskuhan at nawala na ang demand.

Gayunman, mayroon aniyang mga factors na naging sanhi upang mu­ling tumaas ang presyo ng langis, gaya na lang nang pagbubukas na ng ekonomiya ng China.

“Historically na itong panahon na ito, dapat pababa na dahil pagkatapos ng Pasko, nawala na ang [demand]. Unfortunately, may ibang factors pa noong nakaraan kaya bumababa dahil sa zero COVID policy ng China. Pero kung nga­yon, despite na may virus sila, nag-open up na ang economy nila so tumaas ang demand ng petroleum products,” dagdag pa ni Romero.

Sa kabila naman nang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis nitong nakalipas na tatlong linggo, duda si Jetti Petroleum President Leo Bellas na papalo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa P80 kada litro bunsod na rin aniya ng resistance.

 

Show comments