^

Metro

P30 milyong halaga ng puslit na sibuyas, nasabat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P30 milyong halaga ng puslit na sibuyas, nasabat
Ang nasabat na mga puslit na sibuyas na nagkakahalaga ng nasa P30 milyon sa isinagawang operasyon sa isang bodega sa Tondo, Maynila.(=
Miguel De Guzma

MANILA, Philippines — Nasa 1,000 sako ng puslit na sibuyas na tumi­timbang ng 100 metrikong tonelada at tinatayang nagkakahalaga ng P30 milyon ang nakumpiska sa isinagawang operasyon  sa isang bodega sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Pinangunahan ng mga kinatawan ng Department of Agriculture (DA) ang operasyon sa  pagsamsam sa mga dilaw na sibuyas na nakaimbak sa DNR building sa Santo Cristo St., Tondo, Manila dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa.

Nauna nang nakatanggap ng intelligence report ang DA hinggil sa apat na 40-footer na container van na may kuwestiyunableng mga dokumento.

Dahil dito agad na nagsagawa ng inspeksyon ang DA-Wide Field Inspectorate katuwang ang Bureau of Plant and Industry (BPI), Regional Special Operations Group ng National Capital Region Police Office (RSOG-NCRPO),  Phi­lippine Coast Guard (PCG) at Asuncion Police Community Precinct ng Manila Police District (MPD) sa nasabing bodega.

Sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na may petsang Disyembre 2, 2022 na inisyu ni Yogi Filemon Ruiz, Acting Commissioner ng  Bureau of Customs (BOC) ay kinumpiska ang mga sibuyas na nakadeklarang pastries o tinapay.

Ayon kay James Layug, ang pinuno ng DA-Wide Field Inspectorate, layon ng kanilang pinaigting na kampanya na protektahan ang kabuhayan ng mga lokal na mga trader at mga magsasaka.

Gayundin upang makontrol ang posibleng pagpasok ng mga transboun­dary diseases.

Matapos ang imbentar­yo ay dinala na ang mga sibuyas sa tanggapan ng Bureau of Plant Industry.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with