P3.4 milyong droga nasabat sa 2 ‘tulak’

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang drug suspek na nahulihan ng tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-drug operations ng Manila Police District katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga nadakip na sina Ainnah Salgan at Norhanna Canapia,. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon nang magkasa ng operasyon ang PDEA na binigyan ng suporta ng MPD-Meisic Police Station sa loob ng isang fastfood restaurant sa may Brgy. 303 Zone 029 Sta. Cruz, Maynila.
Hindi na nakapalag ang dalawang suspek nang kumagat sa bitag ng mga awtoridad at pagbentahan ng ilegal na droga ang kanilang asset.

Nasabat sa kanila ang limang piraso ng sachet na naglalaman ng tinatayang 500 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P3,450,000.

Nakaditine na ang mga suspek sa PDEA Custodial Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments