^

Metro

Meralco may 21 centavos/kWh tapyas-singil ngayong Agosto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos 21 sentimo sa kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kuryente ngayong buwan.

Sa isang paabiso, nabatid na ang overall rate para sa typical household ay babawasan ng Meralco ng 20.87 sentimo kada kWh.

Bunsod nito, ang overall rate ay magiging P9.5458/kwh na lamang ngayong Agosto mula sa P9.7545/kWh noong nakaraang buwan.

Nabatid na ang pagbaba ng singil ay sa gitna na rin ng ipinaiiral na refund ng Meralco, batay sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Bukod dito, bumaba rin ang generation charge para sa buwan ng Agosto, na natapyasan ng 19.44 sentimo at naging P6.5812/kWh mula sa dating P6.7756/kWh noong nakalipas na linggo, kasunod na rin ng mas mababang charges mula sa power supply agreements (PSAs).

Samantala, ang transmission charges para sa residential customers ay tumaas ng 2.35 sentimo kada kWh habang ang iba pang charges ay nakapagtala ng net decrease na P0.0018 kada kWh.

Nabatid na ang bawas singil ay katumbas ng P42 bawas-presyo sa mga kumokonsumo ng 200 kWh; P63 sa konsumong 300 kWh; P83 sa konsumong 400 kWh; at P104 sa konsumong 500 kWh. 

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with