Pinaghinalaang ‘asset’ ng pulisya, bebot itinumba

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas-5:35 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa isang eskinita sa Parola Compound. Mag-isang naglalakad si Eulalio nang pagbabarilin siya buhat sa likuran ng salarin base sa kuha ng CCTV na nakuhanan ng video ang pangyayari.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 35-anyos babae na sinasabing asset umano ng mga pulis nang barilin sa likuran ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang eskinita sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang nasawi na si Rowelda Eulalio, ng Area D, Gate 16, Parola Compound, Tondo.

Mabilis namang tumakas ang salarin na nakasuot ng kulay orange na damit at asul na jacket.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas-5:35 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa isang eskinita sa Parola Compound. Mag-isang naglalakad si Eulalio nang pagbabarilin siya buhat sa likuran ng salarin base sa kuha ng CCTV na nakuhanan ng video ang pangyayari.

Nagtulong ang mga residente ng lugar at partner niya para maisugod si Eulalio sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit hindi na siya umabot nang buhay.
Posible umano na napaghinalaang asset ng pulis si Eulalio na nagtuturo sa mga nagtutulak ng ilegal na droga sa lugar at hinalang hitman ang bumaril sa kaniya.

Show comments