^

Metro

Mga deboto bumuhos sa mga simbahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga deboto bumuhos sa mga simbahan
Dumagsa ang mga deboto sa Palm Sunday mass kahapon sa Quiapo church, kasabay ng paalala ng DOH na maging alerto at panatilihin ang health protocols ngayong Semana Santa dahil nananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Muling nanumbalik ang sigla ng pananampalataya ng mga Katoliko sa bansa makaraang dagsain ang mga simbahan sa iba’t ibang panig ng bansa kahapon sa selebrasyon ng Linggo ng Palaspas na hudyat ng pag-uumpisa ng Semana Santa.

Ipinagdiriwang sa Palm Sunday o Linggo ng Palaspas tulad ng pagsalubong kay Hesukristo sa pagpasok niya sa Jerusalem.

Sa Maynila, dagsa ang mga mananam­palataya sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo para sa mga Misa.  Nagpatupad naman ang pamunuan nito ng mahigpit na health at safety protocols tulad ng “one seat apart” at pagsusuot ng face mask para maiwasan ang hawahan pa ng COVID-19 na nananatili pa rin sa bansa.

Alas-4 ng madaling araw nagsagawa ng concelebrated mass sa Quinta Market habang tatakbo naman ang morning Mass sa simbahan alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng umaga. May mga Misa rin mula alas-12:15 ng tanghali hanggang alas-7 ng gabi.

Bukod sa Quiapo Church, dagsa rin ang mga mananampalataya sa iba pang simbahan sa Metro Manila na nagtila-alon ng mga Palaspas na binasbasan ng mga pari.

vuukle comment

CHURCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with