COVID-19 vaccinations sa train commuters, ikinasa sa LRT-2

MANILA, Philippines — Maaari na ring magpabakuna laban sa COVID-19 ang mga train commuters sa ilang piling train stations ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Sinabi ni LRTA Administrator Jeremy Regino na ilulunsad nila, katuwang ang city governments ng Maynila at Antipolo, ang vaccination drives sa Recto Station sa Maynila at Antipolo Station sa Rizal, ngayong linggo.

Ayon kay Regino, maaaring sumakay ng tren ang mga commuters at magpabakuna ng kanilang first dose at booster shots sa Recto station tuwing Martes at Huwebes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Available naman ang bakunahan sa Antipolo station tuwing Miyerkules at Biyernes, 8:30 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ang lahat ng eligible individuals na nais na magpabakuna sa Recto Station ay kailangan lamang na magrehistro sa manilacovid19vaccine.ph habang ang mga magpapabakuna sa Antipolo Station ay magparehistro sa antipolobantaycovid.appcase.net.

Show comments