Kapaskuhan maingat na ipagdiwang – OCTA

Families take photos before sparkling huge Christmas installations at the Pinaglabanan Memorial Shrine in San Juan City following the ceremonial lighting by the local government led by city mayor Francis Zamora on December 4, 2021.
Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Maaaring maipagdiwang ng mga Pinoy ang Kapaskuhan pero kailangan ang ma­tinding pag-iingat.

Ayon ito kay Fr. Nicanor Austriaco, molecular biologist at OCTA Research fellow, na nagsabing hindi kailangang mangamba ang mamamayan sa bagong variant ng COVID-19 ang Omicron .

“First, there is no need to panic. Let us celebrate Christmas. This is the best time in 20 months for the entire country,” sabi ni Fr. Austriaco. Kailangan lamang anya na maging handa ang bawat isa at higit na mag-ingat.

“It is the time to be careful. We have to prepare… We must prepare the hospital infrastructure and increase healthcare workers,” dagdag ni Austriaco.

Binigyang diin ni Austriaco na dapat patuloy ang pagbabakuna ng pamahalaan sa mamamayan lalo na kung ang Omicron variant ay lumalaganap na sa buong mundo.

Batay sa pahayag ng World Health Organization ang Omicron ay isang variant of concern.

Show comments