Amo dinos-por-dos ng katulong

Sa ulat ng pulisya, ga­nap na alas-10:00 ng umaga nang marinig ng isang testigo ang pagtatalo ng dalawa hinggil sa mga paniniwala sa kanilang mga relihiyon.
congerdesign l pixabay.com

Nagtalo sa relihiyon

MANILA, Philippines — Dinos-por-dos ng isang katulong ang kanyang amo matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo tungkol sa kani-kanilang relihiyon kamakalawa ng umaga sa Pasig City.

Kinilala ang biktimang si Adoracion Santos, 69, ng Magdalena Subdivision, Brgy. Malinao, Pasig City na ginagamot ngayon sa Tri-City Medical Center dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Nakilala naman ang suspect na katulong na si Alma Corpus, 43,tubong ­Buayaen, Bambang, Pangasinan.

Sa ulat ng pulisya, ga­nap na alas-10:00 ng umaga nang marinig ng isang testigo ang pagtatalo ng dalawa hinggil sa mga paniniwala sa kanilang mga relihiyon.

Sa gitna nang pagtatalo, kumuha ng dos-por-dos ang suspect at inihataw sa biktima ng makailang ulit.

Agad namang naaresto ang suspek at nakuha mula dito ang ginamit sa pama­malo sa biktima.Nakatakda itong sampahan ng kaukulang kaso.

Show comments