^

Metro

Lugar sa Metro Manila na naka-granular lockdown, 239 na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lugar sa Metro Manila na naka-granular lockdown, 239 na
A granular lockdown has been enforced in Barangay 123 in Caloocan City starting Friday(September 17, 2021) night due to a surge in COVID-19 cases in the area.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Umaabot na sa kabuuang 239 lugar sa Metro Manila ang nakasailalim sa granular lockdown kasunod ng pilot implementation ng bagong alert level system sa rehiyon.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, karamihan sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown ay mga individual houses na nakapagtala ng COVID-19.

Sinabi ni Densing na maayos namang naipapatupad ang lockdowns sa rehiyon, maliban na lamang aniya sa isang kaso ng ilang residente na nagreklamo hinggil dito, dahil maaapektuhan umano ang kanilang kabuhayan.

Aminado rin siya na nagkakaroon pa ng kaunting kalituhan sa bagong sistema ngunit kaagad rin naman aniya itong naitatama.

Tinukoy pa niya ang ginawang pagkakandado ng mga barangay sa isang bahay at pagkuha ng susi nito.

Paglilinaw naman ni Den­sing, maaaring mag-deploy ang barangay ng mga barangay tanod sa labas ng tahanan na naka-lockdown ngunit hindi aniya nila ito dapat na ikandado.

Dagdag pa niya, pinapayagan naman aniyang lagyan ng tanda ang mga bahay ng mga pasyente na nasa ilalim ng granular lockdown, ngunit hindi dapat na ilathala ang mga pangalan ng mga pasyente.

Binigyang-diin ni Densing na ang layunin ng granular lockdowns ay i-kontrol ang pagkalat ng virus sa pamamagitan nang pagpigil sa mga tao na magpagala-gala, habang pinahihintulutan pa ring makapagbukas at makapag-operate ang mga negosyo sa mga lugar na hindi naman apektado nito.

Sa kanya naman aniyang sariling monitoring ng ilang business establishments ay nakikitaan niya ang mga ito ng general compliance sa mga guidelines pagdating sa pinapayagang capacity at ipinaiiral na minimum health standards.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with