Alert Level 4 sa Metro Manila posibleng palawigin

Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla na magdi-depende pa rin ito sa magiging epekto ng ‘granular lockdowns’ sa bagong kaso ng CO­VID-19 at sa pag-angat ng estado ng mga ne­gosyo.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na humaba pa ng dalawang linggo ang ipinatutupad na COVID-19 Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR) mula sa orihinal na pagtatapos nito sa katapusan ng Setyembre.

Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla na magdi-depende pa rin ito sa magiging epekto ng ‘granular lockdowns’ sa bagong kaso ng CO­VID-19 at sa pag-angat ng estado ng mga ne­gosyo.

Ang Kalakhang ­Maynila ay nasa ilalim ng Alert Level 4, ikalawang pinakamataas na alert level, sa ilalim ng bagong General Community Quarantine, dahil mataas o tumataas ang case counts at tumataas ang utilization rates ng kabuuang COVID-19 beds at intensive care beds.

Bukod sa Metro Manila, may posibilidad rin na ipatupad ito sa iba pang rehiyon kung magiging positibo ang kahihinatnan ng resulta.

“Titingnan natin. Kung nakikitang maganda ang magiging resulta, maaaring magkaroon ng pagpapatupad nito sa malawakan,” saad ni Padilla.

Susuriin ang resulta ng Alert Level 4 matapos ang unang linggo ng implementasyon nito.

Show comments