Nurse, 2 pa timbog sa pagbebenta ng Sinovac vaccine

Kita pa sa CCTV video sa may Amoranto St sa Que­zon City ang pagbababa ng babaeng suspect na si Harjit Kour Gonzales Singh sa isang kahon buhat sa compartment ng kanyang kotse na naglalaman ng may 300 dosage ng Sinovac vaccine na ibinebenta ng may P840,000 kung saan dito na siya inaresto ng mga tauhan ng NBI na nagpanggap na buyer.
AFP/Ozan Kose

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang nurse ang ina­resto ng National Bureau of Investigation (NBI) tung­kol sa pagbebenta ng Sinovac vaccine sa isi­nagawang entrapmet operation kahapon.

Kita pa sa CCTV video  sa may Amoranto St sa Que­zon City ang pagbababa ng babaeng suspect na si Harjit Kour Gonzales Singh sa isang kahon buhat sa compartment ng kanyang kotse na naglalaman ng may 300 dosage ng Sinovac vaccine na ibinebenta ng may P840,000 kung saan dito na siya inaresto ng mga tauhan ng NBI na nagpanggap na buyer.

Timbog din sa operas­yon  ang dalawa pa nitong kasabwat na ang isa ay medical representatives.

Ayon sa NBI balak ibenta ang mga Sinovac vaccine sa mga Chinese national sa halagang mahigit sa P4,150  para sa 1st at second dose.

Ipinagtataka naman ng NBI kung paano at bakit nailabas ang mga bakuna kung kaya ilang ahensya ng pamahalaan ang kanilang ipapatawag para rito.

Nauna nang kinumpirma ng Manila LGU na isa ngang nurse sa kanilang ospital ang isa sa nadakip, pero tiniyak nitong hindi ga-ling sa kanilang alokasyon ang ibinebentang bakuna.

Nakapiit na ang tatlong suspect habang patuloy pa rin ang isinagawang imbestigasyon ukol dito.

Show comments