_ngayon
^

P1 milyong shabu nasabat, 3 timbog sa Maynila

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa higit P1 mil­yon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Maynila nitong Sabado, kung saan naaresto rin ang tatlo katao.

Kinilala ang mga inaresto na sina Anna Loivina, 38; Atilano La­yosa Jr., alyas Raprap, 37; at Dianne Joy Desiderio, 35, pawang magkakapitbahay sa Malaya Street, Brgy. 124 Zone 10, Tondo, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Moriones Police Station 2, dakong alas-5 ng Sabado ng madaling araw nang ikasa ng kanilang Drug Enforcement Unit (DEU) ang buy-bust operation sa isang eskinita sa Malaya Street, Brgy. 124 Zone 10, Tondo.
Kumagat sa pain ng mga pulis ang tatlong suspek nang kanilang pagbilhan ang poseur buyer ng pulisya ng shabu kapalit ng P500 na marked money.

Nakuha sa 3 ang nasa 150 gramo ng shabu na nagkakahalagang P1,020,000 at isang baril na may tatlong bala at P2,000 cash.

Dinala na sa MPD Crime Laboratory ang nakumpiskang ilegal na droga para isailalim sa eksaminasyon habang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

ATILANO LA­YOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with