Memoriam wall para sa nasawi sa COVID-19, itinayo

MANILA, Philippines — Itinayo sa Quiapo Church ang isang ‘memoriam wall’ na layong kila-lanin at maalala ang mga Pilipinong nasawi dahil sa COVID-19 mula nang maitala ang unang kaso nito sa bansa noong Marso 2020.

“Mayroon kaming memoriam wall kung saan isusulat ng mga  pangalan ng mga nasawi sa panahon ng pandemya,” ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene.

Bukod sa pag-alala sa mga mahal sa buhay na nasawi dahil sa virus, paraan rin ito para mag-alay ang mga kapamilya ng dasal sa kanilang kaanak na nasa kabilang-buhay na siya namang panawagan ng Archdiocese of Manila.

Una nang naglabas ng pastoral instruction si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Bro-derick Pabillo na maglaan ng panalangin para sa lahat ng apektado ng pandemya.  Itinalaga ang Mayo 7 bilang araw ng panalangin para sa lahat ng yumao dahil sa COVID-19.

Nitong nakalipas na Mayo 5 inilaan naman ang Araw ng Panalangin para naman sa lahat ng frontliners na patuloy ang paglilingkod kahit na sa harap ng banta ng panganib sa kanilang kalusugan at buhay.

Show comments