Distribusyon ng ayuda, tuloy sa MECQ

Ang pagtiyak ay ginawa ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, kasunod ng mga naglabasang fake news na ititigil na ang pamimigay ng ayuda matapos na alisin na ang NCR Plus areas sa ilalim ng enhanced community qua­rantine (ECQ) at isailalim sa MECQ.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) na tuloy pa rin ang distribusyon ng P22.9 bilyong ayuda sa NCR Plus areas kahit pa umiiral na ang mas relaxed na modified enhanced community quarantine (MECQ) doon.

Ang pagtiyak ay ginawa ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, kasunod ng mga naglabasang fake news na ititigil na ang pamimigay ng ayuda matapos na alisin na ang NCR Plus areas sa ilalim ng enhanced community qua­rantine (ECQ) at isailalim sa MECQ.

“It’s not true that the Ayuda for NCR Plus will stop because we have shifted to MECQ. That is fake news. Though more people are now back to work, the Ayuda is a commitment of government and will continue to be distributed despite the change in quarantine classification,” paglilinaw pa ni Malaya.

Sa kabuuan aniya ay nasa P1.757 bilyong ayuda funds na ang naipamahagi hanggang kamakalawa lamang.

Sa NCR, ang mga lungsod ng Mandaluyong, Quezon, Navotas, at Maynila ang na­ngunguna sa listahan ng mga LGUS sa NCR Plus na may pinakamarami nang nai-distribute na ayuda sa kanilang constituents.

Aniya, ang mga Local Chief Executives ang nakakaalam kung anong mga bottlenecks at pamamaraan ang dapat gawin para mas mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayang nangangailangan.

Show comments