Summer, nagsimula na - PAGASA

MANILA, Philippines — Pormal nang inanunsyo ng PagAsa ang pagsisimula ng panahon ng tag-init.

Ayon sa PagAsa, kumawala na ang amihan kaya’t simula na ang maalinsangang panahon sa susunod na mga araw.

Bagama’t summer na, ayon sa PagAsa, makakaranas pa rin ng pag-ulan sa ilang lugar lalo na sa hapon o gabi.

Pinapayuhan ng Pag-Asa ang publiko na ugaliing magdala ng tubig kung lalabas ng tahanan para makaiwas sa epekto ng mainit na panahon ang ating mga katawan  ngayong summer season.

Show comments