8 arestado sa shabu sa Caloocan

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang  walong indibiduwal na sangkot sa bentahan ng  ilegal na gamot nang magsagawa ng magkahiwlay na drug operation kamakalawa ng gabi sa  Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. dakong 10:30 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni PLT Ronald Allan Soriano ng West Grace Park Police Sub-Station ang natanggap na tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibiduwal na nagtatransaskyon umano ng ilegal na droga sa Doña Rita St. Brgy. 19.

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis si Marian Montemayor, 41; Gloria Javier, 43 sca­venger; Roland Familgan, 46, construction worker at Roderick Sanchez, 51, construction foreman na nagkikipagtransaksiyon ng illegal drugs.

Nakumpiska sa kanila ang pitong plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P10,200.00 ang halaga.

Dakong 10:40 naman ng gabi nang respondehan din ng mga pulis ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa proliferation ng ilegal na droga sa Tulingan St. Brgy.14, ng lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto kay Sonny Ocampo, 47, tricycle driver at Carlito Lurique, 45, vulcanizing boy.

Nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga.

Nauna rito, alas-9:55 ng gabi nang makuhanan  ng nasa 2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga si Paul Lobo, 41, construction worker, at Larnie Dela Cruz, 40, house wife matapos masita ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa harap ng bahay sa No. 446 Sterling Diamante St. Deparo,   Brgy. 170, ng lungsod dahil kapwa walang suot na face mask at tinakbuhan pa ang mga pulis.

Ang mga naarestong suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa  Repubic Act 9165.

Show comments