Trike driver binoga ng biker

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 58-anyos na tricycle driver nang barilin nang nakasalubong na nagbibiskletang lalaki, Linggo ng gabi, sa Pasay City.

Nakunan ng closed circuit television (CCTV) ng Brgy.  84  ang buong kaganapan sa pamamaril ng hindi pa kilalang gunman sa biktimang si Ricardo Sta Ana, residente ng Tramo St., Pasay City, dakong alas 6:00 ng gabi ng Enero 17, 2021.

Base sa footage, habang pumapasada ang biktima ng sakay ang isang lalaking pasahero nang makasalubong nila  ang bisikletang minamaneho ng suspek at makikitang bumubunot ng baril ang siklista at saka pinagbabaril ang biktima, gamit ang kalibre .45 baril.

Nakalugmok naman ang duguang biktima sa kaniyang tricycle  dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Pinaniniwalaang may malaking atraso ang biktima sa gunman na posib­leng kalugar niya rin.

 

Show comments