100 pamilyang nasunugan binigyang ayuda ng Quezon City LGU

Nabatid na nakatanggap ang mga may-ari ng nasunog na mga bahay ng tig-P10,000 tulong pinansiyal mula sa city government.
Edd Gumban

QUEZON CITY, Philippines — Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nanguna sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mahigit 100 pamilyang nabiktima ng sunog na sumiklab sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City kamakailan.

Nabatid na nakatanggap ang mga may-ari ng nasunog na mga bahay ng tig-P10,000 tulong pinansiyal mula sa city government.

Samantala, nabigyan naman ng tig-P5,000 ang mga residenteng nasunugan ngunit nangungupahan lamang sa lugar.

Matatandaang kamakailan ay tinupok ng apoy ang isang residential area sa Brgy. Sto. Domingo kung saan kabuuang 131 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Show comments