^

Metro

NBI informant, sugatan sa ambush

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
NBI informant, sugatan sa ambush
Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD)-Holy Spirit Police Station 14 (PS 14), nakilala ang mga biktima na si Demsen Tan, 45, NBI informant at residente ng Juan Luna St., Tondo, Manila, at sina Irene Versoza at Carlota Lamata, na kapwa nagkataong nasa lugar lamang nang maganap ang pananambang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang impormante ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sugatan nang tambangan at pagbabarilin ng mga di kilalang salarin habang sakay ng kanyang sports utility vehicle (SUV), samantalang nadamay at sugatan din ang dalawang babae nang tamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD)-Holy Spirit Police Station 14 (PS 14), nakilala ang mga biktima na si Demsen Tan, 45, NBI informant at residente ng Juan Luna St., Tondo, Manila, at sina Irene Versoza at Carlota Lamata, na kapwa nagkataong nasa lugar lamang nang maganap ang pananambang.

Samantala, nakatakas naman ang mga di kilalang salarin na lulan ng isang kulay gray na Toyota Vios (VEK-161), bitbit ang matataas na kalibre ng baril, na ginamit ng mga ito sa krimen.

Ayon sa pulisya, dakong alas-9:30 ng uma-ga nang maganap ang krimen sa Holy Spirit Drive kanto ng Don Jose St., sa Brgy. Holy Spirit.

Nauna rito, minama-neho umano ni Tan ang isang Ford Everest Tita­nium sa naturang lugar, nang bigla na lang sumulpot ang mga suspek at kaagad na pinaulanan ng bala ang sasakyan ng biktima sa magkabilang bahagi nito.

Masuwerte namang hindi napuruhan ng mga suspek ang biktima, na nagawang makatakbo at makapagkubli sa isang banko, ngunit hinabol pa siya bago mabilis na nagsitakas ang mga ito sakay ng kanilang getaway vehicle.

Nasugatan ang biktima sa insidente, at nadamay ring nasugatan sina Versoza at Lamata, na sinasabing kliyente ng banko at isang napadaan lamang sa lugar.

Kaagad namang naisugod ang mga ito sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Nadamay rin namang nasira matapos na tamaan ng mga ligaw na bala ang mga sasakyang nakaparada sa tapat ng banko. 

Masusi nang iniim-bestigahan ng mga pulis ang krimen upang matukoy kung sino ang mga taong nasa likod nito, gayundin ang motibo nila sa tangkang pagpatay.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with