‘Upwelling’ ugat ng fish kill sa Manila Bay sa Baseco-BFAR

Ang upwelling ay nagsasangkot ng paggalaw ng hangin na siksik, mas malamig, at kadalasang mayaman na mayaman sa nutrient patungo sa ibabaw ng karagatan, na pinapalitan ang pampainit, kadalasang nakapagpapalusog sa tubig.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Oceanographic phenomenon o tinatawag na upwelling ang naiisip ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa may Baseco area sa Manila Bay.

Ang upwelling ay nagsasangkot ng paggalaw ng hangin na siksik, mas malamig, at kadalasang mayaman na mayaman sa nutrient patungo sa ibabaw ng karagatan, na pinapalitan ang pampainit, kadalasang nakapagpapalusog sa tubig.

Dahil sa upwelling water acti­vity bumababa ang dissolved oxygen level na mahalaga sa mga isda para mabuhay.

Batay sa pagsusuri  ng BFAR sa tubig mula sa  Baseco Area, sobrang baba ng level ng dissolved oxygen (DO) sa  0.11 mg/L at ang  accep­table level para sa  marine waters ay  5 mg/L.

Sa napaulat na  fish kill, ang mga residente doon ay nakakita ng mga isdang  biya, kanduli, asohos, at tilapia na lumulutang sa baybayin at naghahanap ng hangin makaraan ang malakas na pag-ulan sa lugar.

Ang naturang mga isda ay mga midwater dwellers na mabilis mamatay dahil sa pagbaba ng dissolved oxygen sa baybayin .

Una nang pinaghinalaan ng marami na ang nailagay na dolomite white sand ng DENR  sa Manila bay ang ugat ng fish kill sa Baseco area sa naturang baybayin.

Show comments