Pagbubukas ng mga hotel sa Maynila, inaantabayanan ni Yorme

MANILA, Philippines — Inaantabayanan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang implementasyon ng Department of Tourism (DOT) sa pagbubukas ng operasyon ng mga hotel upang makatulong sa pagpapanumbalik sa ekonomiya ng siyudad.

“Yung announcement po ni (DOT) Sec. Berna (Bernadette Romulo-Puyat) na siguro by October 1 malalaman natin kung bubuksan na ba ang mga 5-star and 4-star hotel,” ayon kay Moreno.

Matatandaan na pinayagan na nitong Setyembre 10 ang pagbubukas ng mga hotels ngunit hindi pa nagpalabas ng eksaktong petsa kung kailan ito ipatutupad.  Sinab ng Tourism secretary na maglalabas sila ng panuntunan para sa mas malinaw na mga detalye ukol dito.

Habang hindi naman umano nagpa-function ang mga hotel, nakabukas naman ang kanilang mga restaurant na maaaring tumanggap ng kustomer at maaari ring sumali sa programa ng Manila City Hall na Manila Restaurant Week sa darating na Setyembre 20 hanggang Setyembre 27.

Layon nitong palakasin ang mga negosyo at bumalik ang mga kustomer. Sinabi ni Moreno na magbibigay ang mga kalahok na restoran ng mga diskuwento at mga freebies sa mga kustomer.

Samantala, patuloy namang ginagamit bilang dormitoryo ng mga health wor­kers at quarantine facility ng mga COVID patients ang mga motel sa Sta. Mesa at Quirino Avenue sa Malate.

Show comments