Rollback uli sa presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya simula ngayong araw (Setyembre 8).

Kabilang sa nag-anunsiyo ng rollback ang Chevron Philippines, Petron, Flying V, Pilipinas Shell.

Simula alas- 12:01 ng umaga ngayon ipatutupad ang P0.30 sentimos bawas presyo sa kada  litro ng  gasolina, P0.45  sa diesel at P0.55 sa ang Chevron Phils habang ang iba pang kompanya ay simula naman alas-6:00 ng umaga.

Ang mga Independent oil firms  na PTT Philippines, Seaoil, Petro Gazz, Unioil, Total Philippines at Eastern Petroleum naman ay gayundin ang oras ng pagpapairal ng bawas presyo sa kanilang gasolina na P0.30 kada litro at diesel na P0.45 kada litro.

Bunsod ito sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa ang galawan sa pandaigdigang merkado.

Show comments