Ex-Manila mayor Alfredo Lim, pumanaw na

Sinasabing sa Intensive Care Unit (ICU) ng Manila Doctor’s Hospital tuluyang bumigay si dating Manila Mayor Alfredo Lim dakong alas -4:57 ng hapon kahapon (Agosto 8 sa edad na 90 na positibo umano ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pumanaw na si dating Manila Mayor Alfredo Lim sa edad na 90.

Sinasabing sa Intensive Care Unit (ICU) ng Manila Doctor’s Hospital tuluyang bumigay si Lim dakong alas -4:57 ng hapon kahapon (Agosto 8 sa edad na 90 na positibo  umano ng coronavirus disease 2019 (CO­VID-19).

Inaalam pa ang sa record ng death certificate ang cause of death niya bagamat kumpirmado umanong infected ito ng COVID-19.

Naka-confined umano si Lim sa nasabing ospital at kahapon ay inilipat sa ICU kung saan siya binawian ng buhay.

Si Lim na isang retired general ng Philippine National Police (PNP) na hu­ling umupo bilang director ng Western Police District na ngayon ay Manila Police District. Naging NBI director at  dalawang term na nagsilbing mayor ng Maynila.

Show comments