‘Pasaway’ sa curfew, liquor ban tatanggalan ng scholarship grant sa muntinlupa city

Ang mga menor de edad na lumabag ay ‘stern warning’ muna, sa ikalawa ay tatanggalan sila ng scholar­ship grants at kung ‘non-grantee’ ay ang mga magulang nila o guardians ang pagbabayarin ng multang P500 at sa ikatlong pagkakasala ay multang P1,000.
Miguel De Guzman/ File

MANILA, Philippines — Tatanggalan ng scholarship grants ang mga menor de edad na lalabag sa liquor ban at curfew hours sa Muntinlupa City, sa mas pinahigpit na ordinansang ipinatupad sa lungsod simula kahapon.

Kabilang ito sa ina­prubahang City Ordi­nance 2020-111 ni Ma­yor Jaime Fresnedi,  na nag-uutos sa “city-wide liquor ban” habang   nasa anumang antas  ng community quarantine ang Metro Manila.

Sa ilalim ng ordinan­sa, ang pagbebenta, pangangalakal, paghahatid, at pagkonsumo ng alak at iba pang mga inuming nakalalasing ay ipinagbabawal sa Muntinlupa City na may parusang P5,000., pagsuspinde o pagtanggal ng mga permiso sa negosyo, at isang taong pagkakakulong sa paglabag sa mga establisimiyento.

Ang mga menor de edad na lumabag ay ‘stern warning’ muna, sa ikalawa ay tatanggalan sila ng scholar­ship grants at kung ‘non-grantee’ ay ang mga magulang nila o guardians ang pagbabayarin ng multang P500 at sa ikatlong pagkakasala ay multang P1,000.

Layunin nito na ma­pigilan ang mga pagkakataon ng pagtitipon ng mga residente at mabawasan ang pa-nganib na magkahawaan ng coronavirus disease 2019 (CO-VID-19).

Ayon kay Muntinlu-pa City Council Majori- ty Floor Leader Coun. Raul Corro, aalisin la­mang ang liquor ban kung hindi na kabilang ang lungsod sa anumang quarantine levels.

Masyado umanong matitigas ang ulo na hindi nagpapaawat ang mga residente sa pagtitipun-tipon kaya’t hindi naaawat ang pag­laki pa ng bilang ng mga tinatamaan ng virus.

Show comments