Contact tracing sa mga pasahero ng MRT, ikakasa

Sinabi ni Health Undersecretary Maria. Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matukoy ang mga pasahero na maaaring nahawa ng virus.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Bagama’t mahirap, pipilitin umano ng pamahalaan na magsagawa ng contact tracing sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) na nagkaroon ng kontak sa mga tellers na dinapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria. Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para matukoy ang mga pasahero na maaaring nahawa ng virus.

Pinayuhan rin ni Vergeire ang mga pasahero na sumasakay sa MRT at may kontak sa mga ticket sellers na pag-aralang mabuti ang estado ng kanilang kalusugan kung may nararamdamang sintomas tulad ng lagnat, sipon, pananakit ng likod at kasu-kasuan at hirap sa paghinga.

“Nag-a-advice na po tayo sa mga tao whoever ‘yung mga sumakay po na nakasalamuha itong MRT employees like ‘yung nagbigay ng ticket na kung saka-sakaling magkaroon ng sintomas, agad agad na magpa-check up o ‘di kaya mag-quarantine,” ani Vergeire.

Ito ay makaraan na nasa 172 tauhan ng MRT kabilang ang apat na ticket sellers ang nagpositibo sa COVID-19 nitong nakaraang Linggo. Dahil dito, nagpatupad ng mas mahigpit na safety protocols ang pamunuan ng MRT. Nitong Lunes, binawasan na rin muna ang bilang ng biyahe ng mga tren bilang pag-iingat.

Related video:

Show comments