Backride, bawal pa rin – PNP

Ayon kay General Guillermo Eleazar, hindi pa pinapayagan ang backriding dahil kailangan pa ring maipatupad ang physical distancing. Aniya, maging mga pulis ay hindi pinapayagan na mag-angkas.
Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagluluwag sa quarantine protocols sa Metro Manila, bawal pa rin ang backride kahit pa mag-asawa.

Ito ang binigyang diin ni Joint Task Force CO­VID Shield Commander P/Lt. General Guillermo Eleazar

Sagot sa umano’y pag-aalburoto ng mga nagmomotor.

Ayon kay Eleazar, hindi pa pinapayagan ang backriding dahil kailangan pa ring maipatupad ang physical distancing. Aniya, maging mga pulis ay hindi pinapayagan na mag-angkas.

Paliwanag ni Eleazar, nananatili ang posibilidad na mapasa ang virus sa katabing tao kaya ipinatutupad ang physical distancing kahit saan.

Apela ni Eleazar sa publiko na sumunod sa regulasyon na ipinatutupad ng gobyerno upang mas madaling malabanan ang virus.

Ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat upang masolusyunan ang COVID-19 dahil lahat ng sektor ay naapektuhan simula ng lockdown.

Ipinagbawal ng national government ang backriding sa mga motorsiklo upang masiguro na nasusunod ang social distancing sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Show comments