Hiring ng dagdag na doktor, nurse binuksan sa Maynila

MANILA, Philippines — Nagbukas ng mga bakanteng posisyon para sa mga doktor at iba pang healthcare workers ang Manila Health Department upang mas mapalakas ang kanilang kakayahan para malabanan ang pagkalat pa ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na prayoridad nila ngayon ang pagkuha ng mga dagdag na mga healthcare workers kaya hiniling niya sa Finance ­Committee na maglaan ng kaukulang pondo para rito.

Ayon kay Dr. Grace Padilla, Hospital Director ng Sta. Ana Hospital/Manila Infectious Disease Control Center, may 30 bakanteng posisyon sila ngayon para sa mga nur­ses at 10 posisyon para sa mga doktor. Bukod dito, nangangailangan din sila ng mga Medtech personnel.

“Kasi po katulad ng pangarap ko sa inyo, magtatag tayo ng sarili nating testing laboratory at pagandahin, palakasin pa ang kakayanan ng ating mga hospital sa pagbibili ng mga makabagong equipment at proteksyon ng ating mga frontliners,” ayon kay Domagoso.

 

Show comments