255 na tricycle drivers sa Mandaluyong, positibo sa COVID-19

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Carmelita ‘Menchi’ Abalos, sa kabuuang bilang na 8,000 tricycle driver sa lungsod ay 4,000 dito ang naisailalim na nila sa rapid testing at base sa resulta, 255 dito ay positibo sa COVID-19.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Kabuuang 255 na tricycle drivers sa Mandaluyong City ang isinailalim sa isolation area makaraang magpositibo sa coronavirus di­sease (COVID-19).

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Carmelita ‘Menchi’ Abalos, sa kabuuang bilang na 8,000 tricycle driver sa lungsod ay 4,000 dito ang naisailalim na nila sa rapid testing at base sa resulta, 255 dito ay positibo sa COVID-19.

Sinabi ng Alkalde, sumasailalim na sa isolation area ang mga nabanggit na tricycle driver habang hinihintay pa ang ang resulta ng kanilang confirmatory polymerase chain reaction (PCR) test.

Kamakailan ay pina­yagan ng Mandaluyong City government ang limitadong operation ng mga tricycle makaraang ang dalawang buwan na tigil-operasyon dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Bilang bahagi ng pagba­balik operation ay kinailangan na lahat ng tricycle drivers ay dapat sumailalim sa rapid antibody test.

Base sa guidelines ng City government ng Mandaluyong, isang pasahero lamang ang maaaring isakay at bawal ang backriding.

Kailangan ding mag­lagay ng plastic barrier sa pagitan ng driver at pasahero at dapat magsuot ng face masks at gloves ang driver ng tricycle.

Inaprubahan ng City Council ang fixed na P20 na pamasahe ng bawat pasahero.

Related video:

Show comments