Para sa mga residente ng Metro Manila
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga residente ng Metro Manila na nais makahingi ng medical assistance mula sa kanilang tanggapan na simula sa Lunes, Mayo 11, ay online applications na lamang ang tatanggapin ng kanilang ahensiya.

Sa inisyung advisory nitong Biyernes, sinabi ni PCSO Ge­neral Manager Royina Garma na ang mga aplikasyon para sa medical assistance ng NCR residents ay maaari na lamang na isumite sa kanilang website ng PCSO na <www.pcso.gov.ph>.

Ayon kay Garma, layunin nitong maiwasan na ang mahabang pila ng mga taong humihingi ng medical assistance at matiyak na maoobserbahan ang physical distancing na mabisang panlaban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Para sa iba pang katanungan hinggil dito, maaari aniyang tumawag sa PCSO sa kanilang hotline numbers na (Globe) 09178807150/ 09273139380; (Smart) 09190683699/ 09490310843 mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8 a.m.-5 p.m. lamang.

COVID-19 PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with