^

Metro

7 pasyente pinauwi ng ospital, ilalagak sa quarantine facility sa Quezon City -- Mayor Joy Belmote

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
7 pasyente pinauwi ng ospital, ilalagak sa quarantine facility sa Quezon City -- Mayor Joy Belmote
“Nalaman na lamang namin na mayroon palang mga pasyente ang pinauwi ng ospital, hindi ito nai-coordinate sa amin, dapat nakipag-coordinate sila para matulungan, kaya nag-trace ang LGU sa kina­roroonan ng mga pinauwi ng ospital, nalaman namin na sila ay nasa tahanan at doon nagpapagaling”, pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

MANILA, Philippines — Ililipat na ng Quezon City government sa qua-rantine facility na tinawag na Hope 1 ang pito sa 14 na pasyente na pinauwi ng ospital na kanilang pinuntahan para magpagamot.

Ang Hope 1 ay isang ho­tel na walang guest ang  pinagkaloob sa QC government para paglagyan ng mga Person Under Investigation (PUIs) sa corona virus 2019 (COVID-19).

“Nalaman na lamang namin na mayroon palang mga pasyente ang pinauwi ng ospital, hindi ito nai-coordinate sa amin, dapat nakipag-coordinate sila para matulungan, kaya nag-trace ang LGU sa kina­roroonan ng mga pinauwi ng ospital, nalaman namin na sila ay nasa tahanan at doon nagpapagaling”, pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na sa 14 na pasyenteng ito ay may 7 ang ililipat nila sa Hope 1 para matulungan magamot.

“Ung iba kasi na pas-yente ay mayayaman at sa kanilang mga tahanan na lamang nagpapagaling at ‘yung talagang walang kapasidad na magpagamot e atin pong tinutulungan”, dagdag ni Belmonte.

Anya ang mga kapa-milya  at kasama sa bahay ng mga nabanggit ay itetest para matiyak na negatibo sila sa virus.

Kaugnay nito, inatasan ni Mayor Belmonte ang City health department na alamin ang bilang ng mga senior citizen na nasa loob ng Extreme Enhance Zone upang agaran silang mabigyan ng pheumonia vaccine.

“Kailangan nating mapangalagaan ang kalusugan ng mga senior citizen natin na nasa Extreme Enhance Zone dahil mahina ang kanilang resis­tensiya at ayaw natin silang mahawa”, sabi pa ni Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na naghahanda na ang QC kung magkaroon pa ng worse case scenario kaugnay ng COVID-19 pandemic.

 

vuukle comment

JOY BELMOTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with