2 tinodas sa C5
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril  at napatay ng mga hindi nakilalang salarin ang isang hindi pa nakikilalang lalaki at babae na natagpuan ang bangkay sa C5 Road sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang biktimang lalaki na nasa pagitan ng 22-25 taong gulang, may taas na 5’7”, katamtaman ang katawan, nakasuot ng checkered na shorts at pulang t-shirt at may tattoo sa braso.  Ang babaeng nasawi naman ay nasa pagitan ng 20-23 taong gulang, nasa 5’1”-5’3” ang taas, payat, nakasuot ng itim na pantalon at gray na sweat shirt.

Sa ulat ng pulisya, ala-1 ng madaling araw nang makarinig ng sunud-sunod na putok ang mga residente malapit sa C5 Road north bound sa Centennial Village, Brgy. Western Bicutan, ng naturang lungsod.

Nang usyosohin, nadiskubre ang bangkay ng dalawang biktima na kapwa may tama ng bala.  Agad namang iniulat ito sa mga tanggapan ng Police Community Precinct 1 na rumesponde sa lugar.

Isa sa mga residente ang nagsabi na isang sasakyan ang nakita nilang huminto sa lugar bago marinig ang magkakasunod na putok ng baril.  Madalas umanong napagkikita sa lugar ang dalawang biktima na sinasabing sangkot sa iligal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang mga biktima at matukoy ang mga salarin.

BINARIL PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with