Nasa kustodiya ngayon ng QCPD sa Camp Gen. Tomas Karingal ang 335 Chinese national na sangkot umano sa investment scam at cybercrime matapos ikasa ang operasyon sa Global Trade Center, sa lungsod, kamakalawa ng gabi.
Michael Varcas
335 Chinese dinakip sa investment scam at cybercrime
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang 335 Chinese workers na sangkot umano sa investment scam at cybercrime sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bago Bantay, sa lungsod.

Sa press briefing, sinabi nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brig. Gen. Debold Sinas at Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo, dakong alas-10:05 ng gabi nang ikasa ang operasyon.

Ayon kay Sinas sinalakay ng pinagsanib na ele­mento ng NCRPO, Quezon City Police at Bureau of Immigration ang Global Trade Center na matatagpuan sa 1024 Brgy. Bago Bantay, Quezon City.

Sinabi ni Sinas na ang 335 mga Chinese nationals ay pawang mga empleyado ng Lambda, PAGCOR licensed POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) na nag-o-operate sa 2nd at 4th Floor ng Global Trade Center sa lungsod.

 Ayon sa mga opisyal, ang nasabing mga Chinese ay sangkot sa investment scam at cybercrime at nahaharap sa iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.

“The BI had made verification and coordination with Officials of the Chinese Embassy on the status of the 335 Chinese nationals”, ayon naman kay Montejo.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng QCPD sa Camp Gen. Tomas Karingal ang mga nasabing dayuhan habang inaayos ang kanilang deportation paper kasunod ng pagkakansela ng China ng kanilang mga passport.

CHINESE CYBERCRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with