Lider ng robbery gang nasakote

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga elemento ng Quezon City Police District ang lider ng Asason robbery/holdup gang na si Mark Asadon alyas Macky sa isang hot pursuit operation sa kahabaan ng Cagayan Street sa panulukan ng Congressional Avenue kamakalawa ng gabi. Nasakote rin ang kasamahan niyang si Jimuel de Leon alyas Kokoy.

Naisagawa ang pagkakaaresto kay Asadon makaraang holdapin nito ang isang babae sa Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City. Ayon sa pulisya, ang grupo ni Asadon ang responsable sa serye ng robbery/snatching sa EDSA Roosevelt, Muñoz at iba pang mga barangay.

Show comments