36 Hapones dawit sa telecom scam, huli ng BI

MANILA, Philippines — Tatlumpu’t anim na Japanese nationals na umano’y sangkot sa telecommunications scam  ang inaresto ng  Bureau of Immigration (BI)  sa isang hotel sa Makati City nitong Miyerkules.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nakatanggap sila ng tawag mula sa gobyerno ng Japan  na isang Nobuki Oshita, 20  at  Yusuke Kiya, 33  ay may standing warrant of arrest sa kasong theft sa Japan dahilan para maglabas ng mission order ang bureau laban sa dalawa.

Sa nasabing operasyon, 34 iba pang Japanese nationals ang naaresto dahil sa pagkakasangkot naman sa voice phishing operations.

Nabatid naman kay  Fugitive Search Unit (FSU) head Bobby Raquepo na bineripika nila ang report at napag-alaman na ang 36 ay pawang mga mi­yembro ng organized crime group na sangkot sa telecom fraud at extortion.

Ang nasabing grupo ay nakapambiktima na umano ng halos 1,393 Japanese nationals at umaabot ang danyos sa halagang 2 bilyong yen.

Show comments