Taiwanese timbog sa rape: Biktimang stude, pinagdroga muna

MANILA, Philippines — Isang 55-anyos na Taiwanese national ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police Disrict- Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT),  habang nailigtas naman ang dalagitang estudyante na pinabatak pa nito ng shabu at saka ginahasa sa isang condominium  sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nakatakdang isalang sa inquest proceedings ang suspek na si Wei Tang Yao, nanunuluyan sa isang condo sa San Andres, Malate, Maynila, sa reklamong paglabag sa Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 in relation to RA 7610 o Child Abuse Law at RA 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa reklamo ng isang 16-anyos na estudyante ng Sta, Ana, Maynila.

Sa ulat mula sa tanggapan ni SmaRT chief, P/Major Rosalino Ibay Jr., nagpasaklolo sa pamamagitan ng  paggamit ng cellphone ang biktima nang siya ay sapilitang gahasain ng suspek sa loob ng unit nito matapos umanong pagamitin ng shabu.

 Nang makilala niya ang suspek ay niyaya umano siyang kumain hanggang sa yayain siyang sumama sa condo unit nito at don naganap ang paggamit ng ilegal na droga at panggagahasa .

Nang mahimasmasan ay nagkulong umano sa comfort room ang biktima at nagawang mag-message sa kapitbahay na pulis.

Nang salakayin ang nabanggit na lugar, nasagip ang biktima at nakuha rin dito ang apat na sachet ng shabu,timbangan, improvised water pipe at disposable lighter.

Show comments