Biktima ng salvage, natagpuan sa Quezon City

MANILA, Philippines – Isang lalaki na sinasabing biktima ng salvage na nakagapos ang kamay at paa at nakabalot ng packaging tape ang ulo ang natagpuan sa isang madilim na lugar  sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa report, ang biktima ay nakilala lamang sa nakuhang Century Properties identification card sa kanyang wallet ay si Rico Buan, 35-40, may taas na 5’1, nakasuot ng black t-shirt at gray short na may ‘tribal’ tattoo sa kanan at kaliwang kamay.

Sa  imbestigasyon ni Juvy Fallesgon, ng CIDU-QCPD, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong ala-1:50 ng madaling araw sa madilim na lugar sa  Stud Farm na matatagpuan sa Carlos P. Garcia Ave., Brgy. UP Campus, Quezon City.

Hinala ng mga awtoridad, pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lamang sa UP Campus para iligaw ang imbestigasyon na gagawin ng pulisya.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy at madakip ang mga salarin.

Show comments