Kotongerong’ enforcer, nabisto, sinibak

Hindi naman nanlaban pa sa mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang sinibak na si Ricardo Galit nang puntahan sa kanyang bahay sa Baseco Compound.

MANILA, Philippines — Isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang inireklamo ng pangongotong nang makita sa CCTV ang pagsita nito sa isang mag-anak na sakay ng motorsiklo na walang helmet  sa Sta. Cruz, Maynila. 

Hindi naman nanlaban pa sa mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang sinibak na si Ricardo Galit nang puntahan sa kanyang bahay sa Baseco Compound. 

Ayon kay MTPB Chief Dennis Viaje, si Galit ay isang job order (JO) kung saan nagsilbi itong striker at tagakolekta ng “tara” saka ibininigay umano sa kanilang sector commander na si Charlie Espiritu na siya namang nagreremit umano sa opisina ng dating MTPB chief na umaabot ng P15,000 kada buwan ngunit tinanggal ng nakaraang administrasyon.

Muli itong nag-apply at natanggap sa ilalim ng kasalukuyang liderato kung saan isa ito sa 817 miyembro ng MTPB na ipinakakalat sa kalye upang magmando at magpatupad ng batas trapiko. 

Sa kanyang panig, nagsisisi aniya siya sa kanyang nagawa at sinabing tao lamang siya na natutukso dahil may mga motorista rin aniyang naglalagay sa mga MTPB. 

Show comments