Klase sa lahat ng antas sa Quezon City, suspendido sa Lunes

MANILA, Philippines – Sinuspinde ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa lungsod sa dara­ting na Lunes (July 22)  upang bigyan daan ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 Ang hakbang ayon kay Belmonte ay ginawa bilang tugon sa request ng QC Police na isuspinde ang pasok sa lahat ng paaralan sa panahon ng SONA ni Pangulong Digong.

Sinasabing maaapektuhan lamang ang mga mag-aaral sa pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa kabi-kabilang pagkilos na gagawin ng ibat ibang militanteng grupo kasabay ng SONA ni Duterte.

Round the clock namang magbabantay sa mga lansangan malapit sa Batasan Complex ang mga elemento ng Department of Public Order and Safety (DPOS) para sa kaayusan ng mga lansangan gayundin ang mga pulis para sa peace and order sa mga lugar na pagdarausan ng pagkilos ng mga militanteng grupo.

 

Show comments