Karambola ng sasakyan sa Taguig, 5 sugatan

MANILA, Philippines — Lima katao ang nasugatan habang nagdulot naman ng matinding trapik ang naganap na karambola ng limang sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Sa report na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si P/Col. Alexander Santos, naganap ang insidente alas-8:00 kamakalawa ng gabi sa Southbound ng C5-McKinly Road sa nabanggit na lungsod.

Sinasabing nawalan umano ng preno ang isang dumptruck, dahilan upang masalpok nito  ang isang ten wheeler truck, isang close van at dalawang taxi.

Dahil sa aksidente, nagresulta ito nang pagkasugat ng limang katao, na nasa maayos ng kalagayan.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Taguig City Traffic Bureau ang nasabing aksidente, na nagdulot aniya nang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.

Show comments