3,000 Grab TNVS nakaligtas sa deactivation

Sa ginanap na public hearing sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon, sinabi ni Grab Philippines President Brian Cu sa board na makaraang iulat ang planong pag-deactivate sa 8,000 TNVS accounts, may mga account holders ang nag-comply at nagsubmit na ng kaukulang requirements bago ang June 7 deadline kaya nakaligtas ang may 3,000 accounts mula sa aalising mga accounts.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakaligtas sa deactivation ang may 3,000 Transport Network Vehicle Servi­ces (TNVS) accounts mula sa 8,000 accounts na  takdang ma-deactivate ng Grab Philippines.

Sa ginanap na public hearing sa  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon, sinabi ni Grab Philippines  President Brian Cu sa board na makaraang iulat ang planong pag-deactivate sa 8,000 TNVS accounts, may mga account holders ang nag-comply at nagsubmit na ng kaukulang requirements bago  ang June 7 deadline kaya nakaligtas ang may 3,000 accounts mula sa aalising mga accounts.

Sinasabing una nang inabisuhan ng kompanya ang mga TNVS operators at drivers na magsumite ng provisional authority at certificate of public conveyance na mga rekisitos sa pag-operate ng isang on-line transport service.

Ang provisional authority at certificate of public conveyance ay magmumula sa LTFRB.

Una nang nagreklamo ang mga driver at operator ng TNVS para igiit ang extention ng deadline sa pagsusumite ng requirements. Anila, sobrang bagal ang proseso ng LTFRB ng mga papeles kaya’t hindi sila nakaabot sa itinakdang deadline para dito.

Pinayuhan naman ng LTFRB ang mga TNVS  account holders na agad bigyan ng oras ang pag-aplay sa pagkuha ng requirements upang hindi maapektuhan ang kanilang hanapbuhay.

Show comments